literature

(Filipino)Tawag ng Liwanag at Bangungot ng Dilim

Deviation Actions

WhipLeen's avatar
By
Published:
889 Views

Literature Text



Nagkubli
siya sa dilim.



Hinanap
naman niya ang liwanag.



Buong
buhay niya’y iniwasan niya ang liwanag pati na rin ang mga taong nag-abot ng
kamay ay inimbitahan siyang makita ito. Tinanggihan niya ito lahat at natutunan
niyang mabuhay na hindi nagtitiwala sa kahit na sino at hindi nakikipaghalubilo
sa mga tao. Walang magagawa ang liwanag kundi silawin lamang siya at ibalik sa
kanlungan ng dilm. Kaya’t naisip niyang mas mabuting manatili na lamang siya
doon. Isa pa, walang lugar sa liwanag ang mga taong tulad niya, na ang tanging
kakayahan ay manakit ng kapwa at kumitil ng buhay.



Siya
nama’y pilit na hinanap ang liwanag, at napatulo ang luha niya nang makita niya
ito. Hindi niya inakalain na magiging bangungot ng nakaraan ang mga nangyari at
mga ginawa niya. Nagawa niyang kalimutan at talikuran ang madilim niyang
nakaraan, at nabuhay siya sa mainit na yakap ng liwanag. Nagkaroon siya ng
pamilya at ng mga kaibigan na minahal niya ng lubos. Tinanggap siya ng buong
puso ng mga taong nasa paligid niya, sa kabila ng kanyang nakaraan at
mapanganib na kapangyarihan.



Isang
lalaking nabuhay sa kadiliman.



Isang
babaeng tinanggap ang liwanag.



Magku-krus
ang kanilang landas.



Pagdudugtungin
sila at paglalaruan ng tadhana.



Iimbitahan
uli siya sa liwanag.



Babalikan
naman siya ng mga bangungot ng dilim.



Lahat
pwedeng mangyari, sa mundong may kapangyarihan ang tao.



 



KABANATA 1: Magkubli sa Dilim



Still.
Lahat tahimik. Walang gumagalaw.



Void.
Kawalan. Walang-wala na kawalan.



Black.
Itim. Ang kulay ng kadiliman.



Nagising
na naman akong nakatingin sa puting kisame. Buhay pa pala ako. Hindi ko alam
kung kelan pa ako nagising, basta’t nagising na’ko tulad ng dati: naliligo ng
pawis, humihingal, at nakakabaliw ang pintig ng puso. Wala na nga akong
pang-itaas at kumot kung matulog at naka-max na ‘yung AirCon pero ganito pa rin
ako tuwing nagigising. Nakakairita’t nakakasawa na.



Bumangon
ako at sinubukan kong alalahanin kung anuman ‘yung bagay na ginawa ko ba’t
nagkaganito ako. Ah, oo naaalala ko na, tsk. Nagkakaganito ako dahil GANITO
ako.  Pinunasan ko ng mga kamay ko ang mukha ko. Binaling ko ang tingin sa
buong silid na kinaroroonan ko . Tsk. Masyado talagang malaki ito para sa’kin.
Cabinet lang dun sa isang sulok ang tanging narito at itong higaan ko malapit
sa bintanang nakaharap sa isang pangit na pader. Bakit ba ako bibili ng gamit?
Mga baliw lang yung mahilig sa walang kwentang luho. Puti pa ang pinta ng buong
kwarto kaya lalong nagmukha itong silid ng isang taong hindi normal at may
problema sa pag-iisip. Wala akong problema sa pag-iisip, kung ‘yun ‘yung
itatanong mo. Pero, para klaro tayong lahat, wala ni isang bagay ang normal
sa’kin. Makapagligo na nga.



Isang
araw na naman.



Lumabas
na akong nakabihis  at pumunta sa kusina.  Gaya ng dati, may papel ‘dun sa
lamesa. Hindi lang to papel. Isa itong Request mula sa isang kliyente. Drug
lord na naman? Rank 2, Level 4? Walang kwenta. ‘Di ba nila ako kayang mabigyan
ng mas mahirap pa dito? Hanapan kaya nila ako ng sanlibong Level 5 na mga
Anomaly Experiments (AnEx) o ng mga Rank 1 Level 5 na mga kriminal? Mas
malilibang pa ako ng mga yun. Nakakasawa ng labanan ang mga pipitsugin at
mahihinang mga basurang ito. Binuksan ko yung cabinet sa may counter at
pinagtimpla ang sarili ko ng kape. Iinumin ko na lang yung mga Stabilizers ko.
Malaking aksaya ng oras ang magluto at kumain. Nakukuha ko naman lahat ng
kailangan ko sa pag-inom ng gamot na ‘yun. Tiningnan ko yung relo ko. Alas-otso
na? Makalabas na nga. Tapusin na natin ’to.



*****



Alas-otso
na ng umaga at nagmamadali ang lahat papunta sa kung saan sila kailangang
magpunta. Larawan ng kaunlaran ang lungsod, puno ng nagtotoreng mga gusali at mga
taong abala sa kanilang mga teleponong touch screen at holo-schedules.
Abalang-abala rin ang trapiko sa kalsada at nagtotoreng mga freeway. Sa
himpapawid naman ay may mga taong lumilipad at sa daanan naman ay may mga
tumatakbo ng ubod ng bilis.



Hindi
na nakapagtatakang marunong lumipad at tumakbo ng hindi makapaniwalang bilis
ang mga tao dito, dahil ang mga tao sa mundo ay natural na nagtataglay ng
kapangyarihan sa kanilang katawan. Ang kapangyarihang taglay ng isang tao ay
siyang tumutukoy sa kung anong klaseng elemento ang kaya nilang makontrol. Maaaring
kontrolin ang hangin, apoy, tubig at lupa. Ito ang mga Primary Element o
pangunahing elementong kayang kontrolin ng isang may taglay na kapangyarihan.



May mga
tao namang sadyang malakas ang taglay na kapangyarihan kaya naman sila ay may
kakayahang kontrolin ang yelo, mga hayop, kahoy,  anino, pati na rin isip ng
tao at mga pangyayari. Ang kapangyarihan ng isang tao ay walang limitasyon,kaya
kahit anong bagay ay maaaring kontrolin, hanggat may sapat na lakas at
kapangyarihan ang nagtataglay nito. Ang isang tao ay maaari lamang gumamit ng
isang elemento (lupa, halimbawa) at isang Special Ability (mind control,
halimbawa).



Para
magkaroon ng sapat na kaalaman sa kung paano gamitin ang ganitong klaseng
kakayahan, may isang eskwelahan na nag-sasanay at nagtuturo sa mga taong
nagtataglay ng kapangyarihan upang makontrol nila ng mabuti ang kanilang taglay
na kakayahan. Ito ang Society of Wielders and Ability Practitioners o mas
kilala bilang SWAP. Hinahanay muna ng eskwelahan ang mga estudyante sa tatlong
grupo bago sila turuan.



Ang
unang grupo ay ang mga Negators o mga nagpapawalang-bisa ng kapangyarihan.
Marami sa mga nasa hanay na ito ay hangin ang pangunahing elemento at sa mga
kaguluhan, sila ang mga pang-depensa. Nahahati sa dalawang uri ang mga Negator:
ang Sealer at Disperser. Ang kakayahan ng isang Sealer ay pahintuin ang
pagdaloy ng kapangyarihan ng isang tao kapag nahawakan niya ito.  Ngunit,
limitado lamang ang oras na kayang pahintuin ng isang Sealer ang kapangyarihan
ng isang tao. Ang Disperser naman ay tuluyang pinaglalaho ang atake ng isang
taong may kapangyarihan. Halimbawa, gumagamit ng apoy ang kalaban at naghagis
ito ng malaking bola ng apoy sa isang Disperser. Gamit ang mga kamay ay kaya
nitong ipaglaho ang bola ng apoy.



 Ikalawang
grupo ang tinatawag na mga Medic. Meron itong dalawang uri. Una, ay ang Healer
o manggagamot. Spesiyalidad nila ang manggamot at mag-alis ng mga toxin at
kamandag sa katawan ng isang tao. Marami sa mga makabagong doktor at nars ay
mga Healer. Ang ikalawang uri ay ang mga Enhancers o mga nagpapalakas. Sila ang
hanay na ang abilidad ay palakasin ang kapangyarihan ng kung sino man ang
nangangailangan nito ngunit kapalit naman ay ang kanilang sariling kalusugan.
Sinasanay ng mabuti ang pangkat ng mga Medic sapagkat malaki ng silbi nila sa
kahit anong sitwasyon, lalo na sa mga labanan.



Ang ikatlo
at pinakahuling pangkat ay ang tinatawag na mga Wielder o mga may taglay. Sila
ang pinakamalakas sa apat na pangkat sapagkat ang kanilang kakayahan ay sadyang
ginawa sa pakikipaglaban. Nahahati sa dalawang uri ang mga Wielder: ang mga
Elemental at Innovator. Ang Special Abilities ng mga Elemental madalas ay isang
Extra Element, ibig sabihin ay dalawang elemento ang kanilang kayang kontrolin:
isang Primary Element at isang Special Element gaya ng yelo, lava, ulap at
kuryente. Ang mga Innovator naman ay nagtataglay ng kakaibang Special Ability
na hindi naaangkop sa naunang mga pangkat, gaya ng pagbabasa ng isip, paglalaho
at panghuhula ng mga pangyayari. Kaya nga tinawag silang mga Innovator, mga
taong may naiibang kapangyarihan, nagbabago. Ngunit, Innovator man o Elemental,
iisa lang ang misyon ng mga Wielder na ito. Sila ang siyang sinasanay upang
maging tagapagtanggol ng bansa at tagapuksa ng mga Anomaly Experiments o AnEx.



 Ang
mga Anomaly Experiments o AnEx ay mga hayop na pinag-experimentuhang haluan ng DNA
ng mga taong may kapangyarihan at ginawa upang gamitin sa mga labanan. Naging
Anomaly sila o abnormal dahil mga experiment silang naging palpak. Kahit kailan
ay hindi maaaring paghaluin ang dugo ng tao at hayop. Isang Mass
Experimentation ang mga AnEx  kaya ‘nung napagdesisyunang itigil na ang
experiment, marami sa kanila ang hindi nailigpit dahil sa pambihirang taglay
nitong pwersa at kapangyarihan. Ang mga nakatakas na mga AnEx ay pagala-gala,
at kaya rin nilang gawing AnEx ang isang hayop kapag kinagat nila ito. Hindi
man gumagana sa tao ang kagat nito, nakamamatay naman ang virus mula sa laway
nito. Mahahanap sa kahit saang parte ng mundo ang mga AnEx, kaya naman ang SWAP
ay may mga sangay rin sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ang Eskwelahan ang gumagawa
ng mga Wielder na sadyang inaatasang maghanap at magligpit ng mga AnEx o
manghuhuli ng mga notorious na kriminal. Ang mga Kliyenteng pumapasa ng ganoong
Request ay magbabayad ng Reward na kahit anong halagang nauukol sa level ng
pinapahuli niya sa taong makakahuli nito.



At
ganun nga ang ginagawa ng isang tao dito ngayon.



Lungsod
ng Koronadal, Pilipinas. Ika-dalawampu’t-anim ng Hunyo,  taong 2124.



                Ayon sa Intel
ay naroon ang hinahanap niya sa pinakaliblib na parte malayo sa siyudad.
Naglalakad ang isang lalaking naka-jacket ng itim na may markang mga “X” at
naka-pantalon ng madilim na asul  sa marumi at makitid na kalsadang
napapalibutan ng mga abandunadong gusali. Suot-suot niya ang talukbong ng
kanyang jacket at naitatago nito ng mabuti ang kanyang mukha. Lahat ng
nakakakita sa kanya ay umiiwas.



Mukha
siyang mapanganib.



Nandun
siya para iligpit ang isang Drug Lord. Iligpit. Hindi dakpin o ipakulong, kundi
iligpit. Lumiko siya sa isang maruming eskinita at sa isang pitik lang ng
kanyang daliri ay nahanap na niya ang nakatagong lagusan papunta sa hideout ng
Drug Lord. Isang marumi’t kinakalawang na bakal na pintuan ang lagusan. Sa loob
ay nagtitipon ang mga Dealer, Pusher, Junkies at naroon din ang Drug Lord.



Napangiti
ang lalaki.



Hindi
man lang niya hinawakan ang pinto ay nasira na ito at nagdulot ng malakas na
ingay nang tamaan nito ang sahig. Isang lumang ilaw-bombilya lamang ang
naghahatid ng liwanag sa loob pero kitang-kita niya ang gulat na ekspresyon ng
mga tao doon. Lahat nakatingin sa kanya. Humakbang ang lalaki papasok.



“Hoy!
Sino kang gago ka at paano ka nakapasok dito?!!!” sigaw ng isang sigang kalbo
na walang pang-itaas at puno ng buletas ang bibig at ilong habang tinuturo ang
lalaking naka-talukbong.



Napangiti
pa ng husto ang lalaki.



“Aba’t,
loko to ah! Nababaliw na ata! Ba’t nakangiti kang ungas kas??!!” sigaw naman ng
lalaking mahaba ang buhok na pinakulayan ng ginto. May hawak-hawak pa itong
syringe.



“Pwede
ba naming paglaruan ‘tong lalaking ‘to, ha boss?”tanong ni kalbo sa taong
nakaupo sa isang sofa sa may sulok ng kwarto.



Napakapangit
ng taong nakaupo sa pulang sofa. Matabang-mataba ito at mahaba ang buhok nitong
itim na umaabot hanggang balikat nito. Halos pumutok na ang butones sa
suot-suot nitong amerikanang itim at may hawak pa itong isang buong paa ng
hamon. Kinagatan nito ang hamon at tumulo ang laway mula sa sulok ng mga
de-buletas na labi nito. Nakakadiri ang matatabang pisngi nito at hindi na rin
makita-kita ang mga mata nito.



“Gawin
‘nyong gusto niyo. Wala na’kong pakialam. ‘Tsaka,” tinuro nito ang lalaking
naka-jacket ng itim ng hamon na hawak-hawak niya, “nakita na niya nag hideout
natin. Kailangan niyang mamatay.” Kinagatan nitong muli ang hamon.



“Heh,
ayos.” Sagot naman ng isang lalaking payat na naka-mohawk at laylay ang suot na
sando.



Halos
sabay-sabay na nagpalagutok ng mga daliri’t kamao ang mga tauhan ng Drug Lord.
Mga ‘di kumulang tatlumpu ang bilang nila sa loob, kabilang na ang lider.
Patawa-tawa sila habang pinapalibutan ang kanilang biktima. Isa laban sa
tatlumpu? Panalo na sila, kung hindi lang siya ang kalaban nila.



“TAPOS
KA NA!!!” sigaw ng kung sino nang sabay-sabay nilang lusubin ang lalaking
naka-talukbong.



Ngunit
sa isang kisap-mata, lahat ng mga lumusob sa lalaki ay biglang tumilapon
palayo. Nagpagulong-gulong, tumama sa may pader at nagkalasug-lasog ang katawan
ng lahat ng umatake. May mga hindi nawalan ng malay at nagmadali na silang
umalis sa kwartong iyon. Alam nilang hindi nila makakaya ang lalaking ito.
Magandang desisyon ang tumakas na lang.



“Akala
ko bilyonaryo ka, Arturo Droga? Bakit halos lahat ng mga alalay mo, e Rank 5
Level 2 o 3 lang? Nakalimutan mo bang Rank 1 Level 5 ang pinakamalakas at ang
pinaka-walang kwenta ay ang Rank 5 level 1? Nalito ka ba ‘dun?” sabi ng lalaki
habang humahakbang papalapit sa Drug Lord.



“Tarantadong
mga- Sinungaling pala ang mga taong yun e…” tinapon ni Arturo ang hamon na
hawak-hawak at halatang nahirapan ito nang tumayo mula sa kinauupuan. Yumugyog
ang buong katawan nito.  “‘Di bale, kahit na hindi ko kasama ang mga Rank 1
bodyguards ko, kaya kitang tapusin sa isang kisapmata.”



Naglabas
ito ng lighter. Isang pitik lang ay sumiklab na ang apoy at binitawan niya ito.
Nasunog ang lamesang nasa harapan niya.



“TIKMAN
MO TO!”



Kinumpas
ng matabang lalaki ang kamay niya sa direksiyon ng lalaking naka-jacket at ang
apoy sa lamesa ay lalong lumakas at mabilis na tumungo sa kanya. Malakas ang
paglagablab ng gutom na apoy, siguradong abo na si boy-talukbong, isip ni
Arturo.



Sa
kasagsagan ng pagpalibot sa kanya ng apoy ay nahubad ang talukbong ng lalaki.
Napakalalaki ng gulat ni Arturo nang humina ang apoy. Hindi man lang napaso si
boy-talukbong. Ni sunog sa suot nito ay wala siyang makita. Tumindi pa ang
kanyang gulat nang makita niya ang mukha ng lalaking kaharap niya.



Wala
talaga itong galos at parang hindi pa nga gumalaw mula sa kinatatayuan nito.
Nakangiti itong nakalabas ang ngipin at nakapamulsa pa ito.  Animo’y kumikinang
sa apoy ang buhok nitong parang maputing pilak at ang mga mata nito’y
kasim-pula ng mga apoy na lumalagablab.



“Maputing
buhok… Pulang mga mata… Hindi ito maaari!!!” napaatras ang matabang lalaki at
nabuwal.



“O ano?
Masaya ka bang makita ang mukha ng taong tatapos ng buhay mo?” sabi ng lalaki
habang itinaas ang isang kamao sa kanyang harapan.



“A-ang
pinakamalakas na Wielder… Ang t-taong s-sumira  ng la-hat ng batas ng kapangyarihan…
Le-level 5… R-rank Alpha… Ang … Ultimate…Innovator…”



“Oo
nga, ako yun.”



Humakbang
siya palapit sa nakabuwal na Drug Lord. Walang tigil ang agos ng pawis nito at
kitang-kita na nanginginig na mga kalamnan nito.



Isang sinistrong
ngiti ang namutawi sa mga labi ng lalaking naka-itim.



“Si
Stillvoid Black.”



*****



               



 



I just had to let this one out, kailangan ko lang talagang maisagawa itong ideyang matagal nang nakalagak sa utak ko.... I'm sorry if you can't understand it, But it's written in my country's Language and I just had to practice... I wanna know what you think about it tho(to those who are fellow Filipinos...)...
© 2014 - 2024 WhipLeen
Comments8
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
Cruxifix96's avatar
I'm not sure if I can translate this all for ya... But I'll give it a read. Net's too slow while I'm on mobile. ^^;;;